Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Saturday, December 12, 2009

On Leave

Pansamantalang magpapahinga muna ang damuhan ngayong buwan ng kapaskuhan. Minsan, kinakailangan din ng may-akda ang magkaroon ng bakasyon para hindi masyadong mapagod. Sa pagbabalik ng damuhan sa ENERO 2010, magkakaroon na ito ng sariling domain!. Abangan ang susunod na kabanata mga kadamo.





Sunday, November 29, 2009

Katam

Katam. Katamaran. Kawalan ng gana sa mga nakasanayang gawin. Ito mismo ang nararamdaman ko kaya kapansin-pansin na dumadalang ang aking pagsusulat. Inaamin ko'ng sinusumpong na naman ako ng katamaran. Dala na rin siguro ng sobrang pagod sa trabaho at sunud-sunod na pagsubok na dumating sa aking buhay. Kasabay ng katamaran ko sa pagsusulat ay ang katamaran ko sa paggawa ng mga kung anu-anong bagay.


Ito rin ang napapansin ko sa bawat Pilipino na aking nakakasalamuha. Ang ibang kasamahan ko sa trabaho, walang bukambibig kundi ang salitang tamad. Sa isang mall sa Alabang, narinig ko rin ang mga saleslady na nagsasabing katamad daw magtrabaho. Muli ay bumabalik sa aking isip ang isang katanungan: Tamad nga ba ang Lahi ni Juan???


Ang kwento ni Juan ay sumasalamin sa di kagandahang ugali ng pinoy. Ito ay tungkol sa pag-aantay ni Juan sa bunga ng puno'ng bayabas na malaglag sa sanga patungo sa kanyang bibig. Di rin makakalimutan kung paanong ang mga alimango ay kanyang pinakawalan at inutusang umuwi ng kanilang bahay.


Habang isinusulat ko ang artikulong ito, napag-isip isip ko na hindi naman talaga magandang kaugalian ang pagiging tamad ng lahing Pinoy. Isa ito sa humahadlang para hindi umasenso ang bansang Pilipinas. Wala nang magawa kundi ang ibunton sa iba ang sisi kung bakit hindi nila nakamit ang kanilang nais. Waland dapat sisihin kundi ang sarili natin. Sa panahon ngayon, hindi dapat pairalin ang katamaran. Kung gusto'ng umasenso ng bawat pilipino, dapat magsipag. Tigilan ang manana habit o pagpapabukas ng pwede namang gawin ngayon.


Sa artikulo ko'ng ito, muli ko'ng sinimulan sa sarili ko ang maging masipag sa lahat ng gawain. Hiling ko lang, matutunan sana ng bawat Pinoy na magtiyaga sa kanilang buhay. Walang ibang tutulong sa bawat isa kundi ang kani-kanilang sarili.



Tuesday, November 24, 2009

CNN Hero : EFREN




Muling pinatunayan ng Bagong hirang na CNN Hero of the Year 2009 EFREN PEƑAFLORIDA ang galing ng Pilipino!!! Talagang walang tatalo sa kabayanihan at kagandahang loob ng mga Pinoy. Isang taos-puson'g pagbati ang aming inihahandog sa iyo mula dito sa damuhan. Mabuhay Ka Efren!!!